Miraheze Developers Wiki/tl
Welcome sa Miraheze Template Wiki! Isa itong repositoryo ng mga template na pagmamay-ari ng komunidad para magamit ng kahit sino para sa kanilang Miraheze wiki. Kung wala rito ang hinahanap mong mga template, gumawa ng task at ilista sila sa Phabricator. |
Tungkol sa mga template
E ano nga ba ang mga template?
Isang pahinang "nasisingit" sa ibang pahina ang template. Makakatulong ito para sa mga text na ginagamit sa maraming lugar, tanging ang template lang ang ie-edit para mabago ang lahat ng mga instance nito sa ibang pahina.
Nasa "templates namespace" ang lahat ng mga template.
Halimbawa, gumawa ka ng pahinang pinamagatang Template:Main na may text na:''Ang pinaka-artikulo nito ay [[{{{1}}}]]''.
, pagkatapos ay isingit mo ang template na {{Main|Random page}} sa lugar na gustong mong magpakita ang text, at ito ang lalabas:
Ang pinaka-artikulo nito ay Pahinang ipinagpaubaya.
Tungkol sa wiki'ng ito
Layon ang wiki'ng ito na maging pangkalahatang repositoryo ng mga template ng Miraheze.
Sakit sa ulo ang pagtatagpi-tagpi, pag-intindi, pag-install, at pamamahala ang mga template. Pinadali na ng Miraheze ang mga buhay ng mga wiki admin, na'ng makatutok na lang sila sa pagdagdag ng mga laman kesa sa pagsasayang sa oras at lakas nila para maging nasa unahan ng karera ng pag-upgrade at pag-debug.
Para sa magamit nang buo, balak isama sa MediaWiki ang mga template pero mukha walang senyales na mangyayari ito sa malapit na hinaharap. Sinusulat ng mga wiki admin ng Miraheze ang sarili nilang mga template o di kaya'y nag-eexport sila mula sa kung saan, hal. sa Wikipedia. Malaking kasayangan ito sa oras kesa sa pakikipagtulungan.
Gamitin ang community portal para sa kahit anong mga diskursong pang-meta (tungkol sa wiki) o kahit anong may koneksyon sa layunin nito.
Paano gamitin ang wiki'ng ito
Di ka pinipigilan na gumawa ng sarili mong template para sa wiki mo ang paggamit ng kahit anong template mula sa wiki'ng ito. Ang advantage mo sa paggamit sa mga template rito ay marami na'ng nagbigay ng oras nila para makagawa ng isang makomplikadong mga template na bagay gamitin kahit saan. * Pag-iimport ng template laban sa pagsingit ng template mula sa iba, karamihan sa mga template na naririto ay ini-import, kasalukuyang di gumagana ang pagsisingit ng template mula sa ibang wiki.
- Pagko-customize sa mga template, pagsasaayos sa mga na-import na template.
- Para makapag-edit ng maraming pahina, magkasunod na gamitin (nang maingat) ang AutoWikiBrowser (AWB) o Javascript Wiki Browser (JWB).
- Pagsusulat ng sariling template.
Mga Icon
Nakabukas ang Instant Commons ng mga wiki ng Miraheze, kung hindi, kailangan mano-manong i-upload ang mga larawan ng icon. Magandang pagkuhanan ang Category:Icons by subject ng Wikimedia Commons.
Pagsubok sa template
Para masilip ang isang template, gawin ang mga sumusunod:
- Kopyahin ang mga susubukang template sa ilalim ng iisang unlapi (prefix). Halimbawa, kinopya mo ang
Template:Foo
toUser:Halimbawa/sandbox/Template:Foo
. Pwede mo ring gawin angUser:Example/sandbox/Template:Foo
bilang isang redirect saTemplate:Foo/sandbox
. - Pumunta sa Special:TemplateSandbox. Punan ang pahina o baguhin ang ipapakita, pati na rin ang unlaping pinili mo sa unang hakbang. Posibleng magkaroon ng maraming unlapi sa pamamagitan ng paghihiwalay sa bawat isa sa mga ito gamit ng patayong bar (vertical bar), hal.
User:Example/sandbox1|User:Example/sandbox2
. - Pindutin ang View.
May kahon rin sa ibaba ng edit form na nagpapahintulot sa iyo na masilip ang isang partikular na pahina na magpapakita sa template na sine-save kasama ng kasalukuyang laman ng edit form.
Mga template na available